Pagpapakasal ng 70-anyos na lalaki sa 15 yrs. old sa Saudi, usap-usapan
JEDDAH, Saudi Arabia - Sentro ngayon ng kontrobersiya sa Saudi Arabia ang pagpapakasal ng 70-anyos na lalaki sa 15 taong gulang niyang bride.
Ito'y makaraang inireklamo ng lalaki na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa local official ang pag-iwan sa kaniya ng misis.
Anito, matapos ang kanilang kasal ay bumalik sa kaniyang pamilya ang teenager.
Hiningan lang daw siya ng pamilya ng malaking dowry at niloko.
Sinabi ng groom na umaabot sa $20,000 ang halaga ng kaniyang dowry at pinaniwala siyang 25-anyos ang babae gayung 15 taong gulang lang ito.
"She is not 15 as everybody claims," ayon sa groom. "She's 25 years old and she's mature enough to make her own decisions... I was fooled by the girl's family."
Napag-alaman na sa Saudi Arabia, walang limitasyon sa edad ng nagpapakasal.
Ayon sa mga human rights workers, nag-away ang mga bagong kasal kaya bumalik ang babae sa pamilya nito.
Nabahala naman ang mga human rights activist sa nasabing bansa.
Sinabi ni Dr. SuhailaZein al-Abedin ng Saudi National Asssociation for Human Rights na kung titingnan hindi kasal ang nangyari kungdi ibinenta ang dalagita