minsan naiinis aq sa trabaho q...kasi parang ang pagiging housemaid na yata ang pinaka-mababang klase ng trabaho sa mundo...na kahit maliliit na bata'y hindi ka ire-respeto...na kahit nagtrabaho ka na ng higit pa sa makakaya mo sa isang araw wala ka pa ring maasahang appreciation sa ginagawa mo...
pag nakikita q mga bata dito, naiisip q na lang ang mga anak q...na sana lumaki silang may galang at pag-mamahal o pag-mamalasakit sa kapwa tao...hindi nang-mamaliit ng kapwa, at inu-unawa ang kalagayan ng bawat tao...
kaya hindi madali ang trabaho q, kasi kahit gaano ka pa ka-buti ay may insulto ka pa ring matatanggap......